Today we’ve started drinking Lemon Water. Pauso ng aking ka-officemate, Charlie Oracion. Pang detox yata or pampayat – something to that effect (haha). We’ve noticed him doing this for several days na, pero ngayon namin napagdesisyunan i-try. (Bumili na ako kahapon ng 3pcs nung nag grocery kami, pero hinde ko na-prepare. Tamad mode sa umaga.)
What You Need:
- H2O
- Water bottle o baso
- Kutsilyong pang hiwa
- Lemons (syempre!)
What to Do:
- Siguraduhing malinis ang lemons. Hugasan.
- Hiwain ang lemons ng pantay-pantay (joke) – kahit anong hiwa pede na. basta kakasya sa baso mo.
- Maglagay ng ilang piraso sa water bottle, baso or in my case sa Starbucks tumbler ko. (Kailangan pa talaga sabihin yon?)
- Lagyan ng tubig. (Voila! May lemon water ka na!)
- Haluin at inumin.
The Verdict:
Masarap naman. Refreshing! (walang tingly feeling katulad nung kumain ako ng fresh Durian for the first (and would be last) time. Brrr.)
Kulang na lang honey, para na akong nag North Park’s Honey Lemonade (my favorite – besides Salted Garlic Squid. Nagutom ako bigla!)
O kaya naman vodka (ayon sa GM namin na nag akalang umiinom si Charlie habang nagta-trabaho dahil may ganito sya sa table nya. hahaha!)
Sige na nga, idagdag na natin sa list of Ingredients.
(What You Need):
- Honey or Vodka – optional
Enjoy! :D
No comments:
Post a Comment
what say you?